Palasyo, hahayaan ang mga Amerikano na magpasya sa kapalaran ni U.S. Pres. Trump

By Chona Yu October 29, 2020 - 06:00 PM

Hahayaan na ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Amerikano na magpasya sa kapalaran ni U.S. President Donald Trump.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng reelection bid ni Trump.

Sa November 3, 2020 gaganapin ang eleksyon sa Amerika.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, tanging ang mga Amerikano ang maghahalal ng kanilang presidente.

“Pabayaan na po natin ang mga Amerikano magdesisyon niyan dahil sila naman po ang hahalal ng kanilang president,” pahayag ni Roque.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nararapat lamang na maging presidente pa ng Amerika si Trump.

Pero pahayag ng Palasyo, hindi pangangampanya ang ginawa ng pangulo kundi paghahayag lamang ng kanyang damdamin.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, reelection bid of Trump, Sec. Harry Roque, U.S President Donald Trump, US elections 2020, Inquirer News, Radyo Inquirer news, reelection bid of Trump, Sec. Harry Roque, U.S President Donald Trump, US elections 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.