Panukalang pag-iimbestiga sa pagpasok ng mga Chinese sa bansa, welcome sa Palasyo

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang panukala sa Senado na imbestigahan ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, nirerespeto ng ehekutibo ang kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon ‘in aid of legislation.’

Hindi lang naman aniya ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa ang dapat na silipin kundi lahat ng programa ng gobyerno.

“Ang Presidente naman po nirerespeto ang kapangyrihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation and by way of oversight sa kahit anong programa ng gobyerno,” pahayag ni Roque.

Una nang sinabi ni Senador Francis Pangilinan na dapat imbestigahan ang aniya’y “soft invasion” nang payagang makapasok sa bansa ang apat na milyong Chinese simula noong 2017.

Read more...