Simulation run sa mga bagong overhaul na bagon ng MRT-3, isinagawa
Nagsagawa ng simulation run para sa general overhauled light rail vehicles (LRVs) o bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), araw ng Huwebes (October 29).
Binubuo ito ng isang train set na may tatlong bagon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layon nitong matiyak na ligtas ito para sa revenue operations.
Kapag nasigurong ligtas nang gamitin, sinabi ng kagawaran na maidadagdag ito sa mga operational train na dine-deploy sa linya ng tren.
Maliban dito, nagkaroon rin ng simulation run para masubukan ang bilis na 50 kilometers per hour ng mga tren.
Bahagi ito ng paghahanda sa napipintong pagtaas sa 50 kph ng bilis ng takbo ng mga tren sa Nobyembre.
Kapag napabilis na sa 50kph ang takbo ng mga tren, mapapababa ang headway o tagal ng paghihintay ng mga pasahero sa 5.5 hanggang 6 minuto para sa 20 tren.
“Ang mga ito ay nagpapatunay lamang na focused kami sa aming trabaho. We are going back to the original form of MRT-3. Dahil ito sa mahusay na pamumuno ng ating mahal na DOTr Sec. Art Tugade, na hangad lamang ang mabigyan ng kombinyenteng at kumportableng biyahe ang ating mga commuters,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.