Imbestigasyon sa korapsyon sa Customs, ikinakasa na ng Kamara

By Erwin Aguilon October 29, 2020 - 05:24 PM

Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Appropriations para silipin ang anomalya sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Yap, pinuno ng komite, malinaw ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang anti-corruption efforts ng pamahalaan laban sa mga tiwaling opisyal na suportado naman ng kanyang komite.

Handa aniya silang makipagtulungan kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero upang tukuyin ang mga tiwaling opisyal at linisin ang BOC.

Nagbabala din ang kongresista na kung hindi matitigil ang iregularidad sa BOC ay irerekomenda niya ang pagtapyas o pag-alis ng budget ng ahensya sa 2021 sa pagsalang ng pambansang pondo sa bicameral conference committee.

Tiniyak ni Yap na i-e-exercise ng Appropriations ang kanilang oversight function partikular na sa paggugol ng budget ngayong may pandemya kung saan uunahin dito ang BOC na matagal nang sinasabing talamak ang korapsyon.

Nakahanda rin aniya ang komite na makipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga report sa gagawing imbestigasyon sa BOC at magbabantay hanggang sa may masampahan ng kaso sa Ombudsman.

TAGS: BOC, BOC alleged corruption, House Committee on Appropriations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap, BOC, BOC alleged corruption, House Committee on Appropriations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.