Pag-iimbestiga sa PH envoy to Brazil dahil sa isyu ng pangmamaltrato, binigyan na ni Pangulong Duterte ng ‘go signal’
Binigyan na ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na imbestigahan ang pangmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang kasambahay.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nakausap na niya ang Pangulo at sinabi nitong suportado niya ang hakbang ni Locsin.
Sinabi pa ni Go na aarangkada ang imbestigasyon base sa Foreign Service Act of 1991.
“The impartial investigation will be carried out consistent with relevant provisions of the law, particularly the Foreign Service Act of 1991,” pahayag ni Go.
Sinabi pa ni Go na noon pa man ay naging tagapagtaguyod na si Pangulong Duterte ng proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa.
“The President has always been firm-the protection and promotion of the rights, welfare and well being of Filipinos overseas is a paramount responsibility of our government,” pahayag ni Go.
Nag-viral ang video ni Mauro nang makita sa CCTV na sinasabunutan, sinasapak at sinasaktan ang 51-anyos na kasambahay.
Pinauwi na ni Locsin si Mauro para sumalang sa imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.