Pagsasabatas ng Department of OFW, panahon na – Speaker Velasco

By Erwin Aguilon October 29, 2020 - 03:37 PM

Napapanahon para kay House Speaker Lord Allan Velasco ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukala para sa pagkakaroon ng kagawaran para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, kailangan ang Department of OFW para tugunan ang mga problema at pangangailangan ng mga overseas workers lalo sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Hindi aniya lingid sa kaalaman ng lahat na mula ng magkaroon ng COVID-19 outbreak ay maraming OFWs ang nagsiuwian ng bansa matapos mawalan ng trabaho.

Inaasahan din ng Speaker ang repatriation ng libu-libong OFWs sa mga susunod na buwan dahil sa epekto sa global economy ng pandemya.

Nauna nang napagtibay noon pang Marso sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 5832 o ang Department of Filipino Overseas (DFO).

Sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 500,000 OFWs ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng pandemya habang 70,000 pa na OFWs sa buong mundo ang stranded pa hanggang ngayon.

TAGS: 18th congress, COVID-19 response, Department of OFW, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, COVID-19 response, Department of OFW, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.