Anak ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga, inireklamo ng panggugulpi

March 15, 2016 - 04:18 AM

 

Diego-LoyzagaInirereklamo ng dalawang magkapatid ang anak ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga matapos sila umanong bugbugin nito at ng kanyang mga kasamahan sa isang kilalang club sa Taguig nitong Linggo.

Ikinwento sa Inquirer ng kapatid ng mga biktimang sina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez ang insidente na naganap sa Palace Pool Club sa kahabaan ng 9th avenue kanto ng 36th St., sa Bonifacio Global City.

Ayon sa hindi nagpakilalang kapatid, unang ‘hinarass’ umano ng nakainom na si Diego Loyzaga ang girlfriend ni Angelo na isa sa mga biktima.

Dahil dito, pinagsabihan ng magkapatid si Diego na huwag nang uulitin ang pagyakap sa kanyang nobya.

Gayunman, inabangan pala umano ni Loyzaga ang magkapatid sa comfort room ng club at makailang ulit na sinuntok ang biktimang si Paolo.

Sa labas ng club, muling naulit ang kaguluhan nang komprontahin umano ng grupo ni Loyzaga ang magkapatid na Lopez na humantong na sa panggugulpi ng grupo sa dalawa.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga pasa at sugat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ang magkapatid.

Hindi pa naman nagbibigay ng komento ang ‘Pangako sa ‘Yo’ actor at talent ng ‘Star Magic’ ng ABS-CBN kaugnay sa mga pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.