WATCH: ‘No more beauty pageant’ kay Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao

By Chona Yu October 29, 2020 - 03:22 PM

Photo grab from Fritz Sales’ video

Matapos mabigong masungkit ang korona sa Miss Universe Philippines 2020, hindi na sasali sa anumang beauty pageant ang volleyball star at Miss Universe 2nd runner-up Michele Gumabao.

Ayon sa 28 taong gulang na si Gumabao, tututukan na lamang niya ang pagiging coach ng volleyball at pagnenegosyo.

Paliwanag ni Gumabao, hindi na kasi siya pasok sa kwalipikasyon sa mga beauty pageant.

18 hanggang 28 taong gulang lamang ang tinatanggap na kandidata sa Miss Universe habang hanggang 26 na taong gulang lamang sa Miss World.

Hindi naman direktang sinagot ni Gumabao ang hindi pagsipot sa press conference ng Miss Universe noong October 25.

Maglalabas aniya siya ng official statement sa mga susunod na araw.

Narito ang buong pahayag ni Gumabao:

Matatandaang naging usap-usapan ang hindi pagsipot ni Gumabao sa press conference.

Bukod sa hindi pagsipot ni Gumabao sa press conference, lalo pang nabalot ng kontrobersiya ang Miss Universe Philippines pageant nang mag-post sa Instagram ang talunang kandidata na si Miss Taguig Sandra Lemonon.

Sa post ni Lemonon, sinabi nito na dapat abangan ng taong bayan ang kanyang malaking anunsyo at sinundan ng post na lalabas din ang katotohanan at “karma is real.”

Agad naman itong sinagot ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup.

Ayon sa opisyal, ang tunay na reyna ay marunong tumanggap ng pagkatalo.

Dumalo si Gumabao kasama sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 1st runner-up Ysabelle Ysmael, Miss Universe Philippines 3rd runner-up Pauline Amelinckx at Miss Universe Philippines 4th runner-up Kimberly Hakenson sa pagbubukas ng e-skwela sa Sampaloc, Maynila.

Panoorin ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: Inquirer News, Miss Universe Philippines 2020, Miss Universe Philippines 2020 controversy, Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Miss Universe Philippines 2020, Miss Universe Philippines 2020 controversy, Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.