Pangmamaltrato ng Philippine Ambassador to Brazil sa kanyang Pinay helper ipinasisiyasat sa Kamara

By Erwin Aguilon October 29, 2020 - 12:19 PM

Pinaiimbestigahan ni DIWA Rep. Michael Edgar Aglipay sa Kamara ang pagmamaltrato ng ambassador ng Pilipinas sa Brazil sa kanyang kasambahay na isa Pinay.

Base sa House Resolution 1243 na inihain ni Aglipay ay nais nitong ipasilip sa House Committee on Labor and Employment ang pagmamaltrato ng Philippine Ambassador Marichu Mauro sa kanyang Pinay helper.

Kailangan any ana matiyak na maparusahan ito sakaling mapatunayan ang mga alegasyon ng pagmamalupit sa mga kasambahay.

Nais din ng mambabatas na mapapalakas ang Republic Act 10361 o ang Batas Kasambahay upang mabigyan ng ibayong proteksyon ang mga domestic worker.

Samantala, hiniling naman ni House Committee on Overseas Workers Affairs chairperson Rep. Raymond Mendoza na matanggal na sa foreign service si Mauro kapag napatunayang guilty.

Itinutulak din ng kongresista na mapalakas ang mekanismo para sa pagsusumbong ng mga overseas workers at local workers sa mga pagmamaltrato sa kanila nang hindi nangangamba na baka balikan o gantihan sila ng mga amo.

 

TAGS: Inquirer News, Marichu Mauro, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Marichu Mauro, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.