Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Quinta umakyat na sa 16

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2020 - 12:07 PM

Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa sa bansa ng Typhoon Quinta.

Sa upate mula sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), maliban sa 16 na nasawi, mayroong 22 pa na naitalang sugatan at apat pa ang nawawala.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nakapagtala ng 63 insidente ng pagbaha, 22 insidente ng landslides, 5 maritime incident at 1 storm surge.

Umabot naman na sa 57,742 na pamilya o 242,220 na katao ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 3, 4A, 4B, VI, at VIII.

Sa nasabing bilang, 16,830 na pamilya ang inilikas at dinala sa mga evacuation center.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, NDRRMC, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta, Inquirer News, NDRRMC, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.