Imbestigasyon sa mga kongresista na sangkot sa anomalya sa DPWH aprub kay Speaker Velasco

By Erwin Aguilon October 29, 2020 - 12:02 PM

Suportado ng Mababang Kapulungan ng kongreso ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng malawakang imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa buong gobyerno.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, nakahanda ang liderato ng Kamara para sa gagawing imbestigasyon sa mga myembro ng Mababang Kapulungan na idinadawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

naintindihan anya nila sa Kamara ang frustration ng Pangulo laban sa talamak na korapsyon sa pamahalaan at nakikiisa ang house leadership sa pagnanais na buwagin ang mga tiwaling opisyal at empleyado sa burukrasya.

Aminado ang Speaker na ipinalabas ng Pangulo ang direktiba kasunod ng pag-atake sa mga kongresista na sinasabing sangkot sa korapsyon sa DPWH.

Sabi ni Velasco, nakalulungkot dahil nadadamay ang buong institusyon sa kontrobersya pero makakabuti na siyasatin ito ng ibang ahensya ng gobyerno dahil kung sila sa Mababang Kapulungan ang gagawa nito ay magiging self-serving para sa kanila at pagdududahan lamang ang imbestigasyon.

 

 

 

 

TAGS: corruption, DPWH, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speaker velasco, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption, DPWH, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speaker velasco, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.