Sen. Villar pinakamayaman pa rin na senador sa kanyang P3.8B net worth

Nanatiling si Senator Cynthia Villar pa rin ang pinakamayaman sa 24 senador ng bansa.

Sa kanyang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), may kabuuang halaga ang iniulat na ari-arian ni Villar na higit P3.8 bilyon at wala siyang inilistang pagkaka-utang.

Ito na ang walong sunod na taon na kinilala si Villar bilang pinakamayaman na senador.

Sumunod sa kanya sa ‘net worth’ si Sen. Manny Pacquiao na nag-ulat ng higit P3.1 bilyon, pangatlo si Senate President Pro Tempore Ralph Recto (P567.4M); Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (P203.6M) at ang bumuo sa Top 5 ay si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., (P176.3M).

Nasa pang-anim na puwesto si Sen. Sonny Angara (P142.2M); Senate Minority Leader Franklin Drilon (P102.2M); Sen. Grace Poe (P97.6M); Sen. Sherwin Gatchalian (P95.4M); at pang-10 si Sen. Pia Cayetano, P82.7 milyon.

Pang-11 si Senate President Vicente Sotto III, P77.7M; Sen. Richard Gordon (P71.2M); Sen. Manuel ‘Lito’ Lapid (P70.9M); Sen. Francis Tolentino (P61.1M) at Sen. Nancy Binay (P60.3M).

Pang-16 si Sen. Panfilo Lacson (P48.9M); Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel (P36.3M); Sen. Imee Marcos (P34M); Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa (P33M) at Sen. Joel Villanueva (P30.2M).

At ang nasa ika-21 puwesto si Sen. Francis Pangilinan (P19.9M); Sen. Christopher ‘Bong’ Go (P18.3M); si Sen. Risa Hontiveros, na wala rin naiulat na utang (P16M) at pang-huli si Sen. Leila de Lima (P8.3M).

Jan Escosio

May kabuuang halaga ang iniulat na ari-arian ni Villar na higit P3.8 bilyon at wala siyang inilistang pagkaka-utang.

Read more...