Mahigit kalahating milyon na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2020 - 11:45 AM

Umabot na sa mahigit kalahating milyon ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes, (Oct. 29) ay 44,738,990 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 500,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 80,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 49,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 28,000 na mga kaso.

Ang UK ay nakapagtala ng mahigit 24,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,118,380
India – 8,038,765
Brazil – 5,469,755
Russia – 1,563,976
France – 1,235,132
Spain – 1,194,681
Argentina – 1,130,533
Colombia – 1,041,935
UK – 942,275
Mexico – 901,268

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.