May himig panunumbat na sinabi ni Poe na nagsisikap ang lehislatura na amyendahan ang batas para hindi makasama ang Pilipinas sa listahan ng Financial Action Task Force ng mga bansa na malaki ang isyu sa money laundering.
Sinabi nito na maging ang mga financial experts ng bansa ay may mga pangamba at itinuturing ang isyu na national economic emergency tulad ng pagtrato sa COVID-19 na national health emergency.
Binanggit ng senadora ang October 2019 Mutual Evaluation Report ng Asia Pacific Group kung saan nakasaad na may mga money laundering activities sa mga casino sa Pilipinas.
Sa naturang ulat, dagdag pa ng senadora, nagagamit sa drug trafficking at sex trafficking ang negosyo ng money service sa bansa.
Nabanggit din sa ulat na may isyu din sa pag-iimbestiga at paglilitis sa mga kasong money laundering sa Pilipinas.