Money laundering risks sa Pilipinas pinuna ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio October 29, 2020 - 11:15 AM

Hinanap ni Senator Grace Poe sa Anti-Money Laundering Council o AMLC ang resulta nang pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Law ng bansa.

May himig panunumbat na sinabi ni Poe na nagsisikap ang lehislatura na amyendahan ang batas para hindi makasama ang Pilipinas sa listahan ng Financial Action Task Force ng mga bansa na malaki ang isyu sa money laundering.

Sinabi nito na maging ang mga financial experts ng bansa ay may mga pangamba at itinuturing ang isyu na national economic emergency tulad ng pagtrato sa COVID-19 na national health emergency.

Binanggit ng senadora ang October 2019 Mutual Evaluation Report ng Asia Pacific Group kung saan nakasaad na may mga money laundering activities sa mga casino sa Pilipinas.

Sa naturang ulat, dagdag pa ng senadora, nagagamit sa drug trafficking at sex trafficking ang negosyo ng money service sa bansa.

Nabanggit din sa ulat na may isyu din sa pag-iimbestiga at paglilitis sa mga kasong money laundering sa Pilipinas.

 

 

 

TAGS: AMLC, financial Action Task Force, Senate, Senator Grace Poe, AMLC, financial Action Task Force, Senate, Senator Grace Poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.