Ikalawang molecular laboratory ng PNP binuksan na

Bukas na ang ikalawang molecular laboratory sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa ngayon nakapagsasagawa ito ng 90 COVID-19 tests kada araw.

Ayon kay PNP chief Police General Camilo Cascolan, operational na ang ikalawang laboratory matapos aprubahan ng Department of Health (DOH).

Ang ikalawang laboratory ay nasa loob ng PNP General Hospital.

Ang unang molecular laboratory ng PNP ay nasa PNP Crime Laboratory at binuksan noong May 26.

Nakapagsasagawa ito ng 150 COVID-19 tests kada araw.

 

 

 

 

 

Read more...