Tanggapan ng Office of the Ombudsman sarado ngayong araw at bukas

Sarado simula ngayong araw hanggang bukas ang tanggapan ng Office of the Ombudsman sa Quezon City.

Ayon sa abiso, magsasagawa kasi ng sanitation sa workstations at public spaces sa central office.

Dahil dito, suspendido din ang pasok sa trabaho ng mga empleyado ng Office of the Ombudsman.

Wala din munang tatanggaping transaksyon.

Sa Martes, November 3 magre-resume sa normal ang operasyon ng Ombudsman.

 

 

 

Read more...