Presyo at suplay ng produktong petrolyo hindi maaapektuhan ng pagsasara ng mga oil refinery

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2020 - 09:49 AM

Walang magiging epekto sa presyuhan at suplay ng produktong petrolyo ang pagsasara ng oil refinery ng ilang kumpanya ng langis.

Pahayag ito ng Department of Energy (DOE) bunsod ng pagsasara ng oil refinery ng Shell kamakailan at napipinto na ring pagsasara ng oil refinery ng Petron.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino E. Abad na halos 100 percent ng oil supply sa bansa ay inaangkat.

Maaari aniyang magkaroon ng kakapusan sa supply ng produktong petrolyo sa Pilipinas kapag ang mga refinery sa ibang mga bansa ang nagkaroon ng problema.

Payo ni Abad sa publiko huwag maniwala sa mga kumakalat na text messages na humihikayat sa publiko na magpakarga na ng gasolina dahil magkakaroon umano ng kakapusan ng suplay ng produktong petrolyo bunsod ng pagsasara ng oil refinery ng Petron.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, oil products, oil supply, Petron, Radyo Inquirer, Shell, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, oil products, oil supply, Petron, Radyo Inquirer, Shell, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.