Magat, Binga at Ambuklao dam magpapatuloy sa pagpapakawala ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2020 - 09:35 AM

Magpapatuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam sa susunod na mga oras.

Sa abiso ng PAGASA, batay sa update mula sa Magat Sub-Basin, nasa 190.95 meters ang water level ng dam alas 8:00 ng umaga ngaoyong Huwebes, Oct. 29.

Mayroon pa ring isang gate na nakabukas sa dam.

Inabisuhan ang mga residente sa munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu na maari silang maapektuhan ng ginagawang pagpapakawala ng tubig.

Samantala, sa Binga at Ambuklao dam naman, tuloy din ngayong araw ang pagpapakawala ng tubig.

Ang Ambuklao dam ay nasa 751.87 meters ang water level kaninang alas 8:00 ng umaga.

Dalawang gate nito ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Ang Binga dam naman, nasa 574.79 meters ang water level at dalawang gate din ang nakabukas.

 

 

 

TAGS: Ambuklao dam, Binga dam, dam status, Inquirer News, Magat Dam, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ambuklao dam, Binga dam, dam status, Inquirer News, Magat Dam, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.