Kasunod ito ng pagsasara ng oil refinery ng Shell kamakailan at nakaamba na ring pagsasara ng oil refinery ng Petron.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino E. Abad na may pagpupulong ngayong araw ang DOE at kabilang sa pag-uusapan ang mga ipatutupad na contingency plan sakaling magkaroon ng kakapusan ng suplay ng langis sa bansa.
Kabilang aniya sa plano ang posibilidad na magkaroon ng sariling government supply ng oil products.
Ibig sabihin ayon kay Abad, magtatayo ng mga storage facilities o petroleum reserve sa bansa na ang magma-manage ay ang gobyerno.
Sa mga susunod na buwan, sinabi ni Abad na aasahan ang development tungkol sa planong ito.
Sa ngayon sinabi ni Abad na halos 100 porsyento ng oil supply sa bansa ay galing sa ibang bansa o inaangkat.