Lockdown muling paiiralin sa France at Germany dahil sa second wave ng COVID-19
Muling magpapa-iral ng lockdown sa mga bansang France at Germany.
Kasunod ito ng pagkakaroon ng second wave ng COVID-19.
Sa magdamag ang France ay nakapagtala ng 36,000 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umakyat ito sa panglima na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.
Ang Germany naman ay nakapagtala ng dagdag na 16,000 na bagong kaso sa magdamag.
Sa ilalim ng lockdown measures na ipatutupad sa France simula sa Biyernes, ang mga residente ay dapat manatili lamang sa bahay maliban lang kung bibili ng essential goods, magpapagamot, o mag-eehersisyo na dapat ay isang oras lang kada araw.
Isasara naman ang mga bar, restaurant at sinehan sa Germany.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.