Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 49,000 pa

Umabot na sa lagpas 8 milyon ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 49,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,038,765 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 603,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 120,563 na.

 

 

Read more...