Libreng nationwide broadband fiber upgrade, ikinasa ng Globe

Inanunsyo ng Globe na mahigit 40% na ng mga customer nito ang nai-migrate ng libre mula copper patungo sa mas bago at mas mabilis na fiber broadband network.

Bukod sa mas mabilis at mas malaking data ay mas stable rin ang koneksyon ng mga Globe customer gamit ang broadband fiber network.

Ang fiber connection ay nakakapagbigay ng hanggang 1 Gbps maximum speed kumpara sa copper ADSL na may maximum speed lamang na 15 Mbps.

Para sa mga Globe At Home customer na nais magpa-upgrade, gamitin lamang ang Globe At Home app para malaman kung available na sa kanilang lugar ang libreng technical upgrade sa fiber broadband.

Maaaring ma-download ang nasabing app sa Play Store para sa mga Android user o App Store para naman sa mga iOS user.

Ang libreng technical fiber broadband upgrade ay kaugnay ng plano ng Globe na mag-expand ang network nito para mas kaaya-aya at maayos na connectivity at data experience ng mga customer nito sa buong bansa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang www.globe.com.ph.

 

 

Read more...