Dadgag na 507 na tradisyunal na mga jeep makakabiyahe sa 4 na ruta simula bukas
Simula bukas, Oct. 30 ay mayroong dagdag na apat na ruta na bubuksan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep.
Aabot sa 507 na traditional PUJ units ang papasada sa bubuksang mga ruta sa Metro Manila.
Kabilang sa dagdag na mga ruta ang sumusunod:
1. Parang – Recto
2. Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
3. Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.
4. Libertad – Pinagbarilan
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat i-print sa short bond paper at ipaskil sa PUV.
Pwede ring i-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinagutos ito ng LTFRB.
Istrikto din dapat na ipatutupad ang mga healt protocols sa pampasaherong jeep.
Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 336
Bilang ng authorized units: 29,227
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 4,447
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 387
5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 98
Bilang ng authorized units: 4,327
6. TAXI
Bilang ng authorized units: 20,964
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 14
Bilang ng authorized units: 305
9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.