Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa at ngayon ay nasa tropical storm category na ang bagyong binabantayan ng PAGASA.

Ang bagyo na mayroong international name na “Goni” ay huling namataan sa layong 1,705 kilometers east ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA ngayong araw ay inaasahang pumasok sa bansa ang bagyo at magtutungo ng Bicol area.

Samantala, isa pang Low Pressure Area binabantayan din ng PAGASA sa bahagi naman ng Mindanao.

Huli itong namataan sa 2,550 kilometers East ng Mindanao.

Posible ding pumasok sa bansa ang nasabing LPA.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Ilocos Norte, Apayao, Batanes, at Cagayan kabilang ang Babuyan Islands ay makararanas ng makulimlim na panahon at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Northeasterly Surface Windflow.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng mga isolated na pag-ulan.

 

 

 

 

 

 

Read more...