Confirmed COVID-19 cases sa Eastern Visayas, umabot na sa 6,540

Nadagdagan ng 59 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,059 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (October 28), 6,540 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 931 o 14.24 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 5,549 o 84.85 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 60 pa rin ang mga residenteng nasawi o 0.92 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...