Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nass 185
Napaulat ang 11 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:06, Miyerkules ng hapon (October 28), 5,428 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 185 ang aktibong kaso.
Isa ang itinuturing na probable cases habang 981 ang suspected cases kung saan 21,046 ang cleared na.
25 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,071 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 172 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.