COVID-19 recoveries sa Central Visayas, lagpas 2,000 na

Nagkaroon pa ng 57 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 28, 22,256 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 888 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 41 ang bagong gumaling kung kaya 20,031 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,337 pa rin ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...