Back-to-back wins ng Meralco pinutol ng San Miguel, 89-82

By Jan Escosio October 29, 2020 - 12:28 AM

Nasungkit ng San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2020 PBA Philippine Cup nang talunin ang Meralco, 89-82, sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Dikit pa ang laban hanggang huling tatlong minuto ng laro, bago nagpakawala ng dalawang sunod na tres sina Alex Cabagnot at Chris Ross may natitira na lang na 19.9 segundo.

Hindi na naka-iskor pa ang Bolts matapos na rin ang sablay na lay-up ni Chris Newsome.

Tambak ng 13 puntos ang Beermen sa ikatlong yugto bago sumigla ang opensa ng San Miguel sa pangunguna ni Moala Tautuaa.

Napiling ‘Best Player of the Game; si Tautuaa at pinangunahan din ang Beermen sa kanyang 23 puntos.

Bago ang laro, bitbit ng Bolts ang magkasunod na panalo at sa kanilang pagkatalo, bumagsak sila sa 3-3.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup, Alex Cabagnot, Chris Newsome, Chris Ross, Inquirer sports, Meralco Bolts, Radyo INQUIRER sports, San Miguel Beermen, 2020 PBA Philippine Cup, Alex Cabagnot, Chris Newsome, Chris Ross, Inquirer sports, Meralco Bolts, Radyo INQUIRER sports, San Miguel Beermen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.