BuCor, inilunsad ang ‘Oplan Bura Tatak’

BuCor photo

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang paglulunsad ng ‘Oplan Bura Tatak’ sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, Miyerkules ng umaga (October 28).

Layon nitong maalis ang mga simbolo ng mga sinalihang gang ng mga person deprived of liberty (PDL) upang maiwasan ang karahasan o riot sa loob ng piitan.

Nagparating naman ng suporta ang mga lider ng 12 aktibong gang sa loob ng Maximum Security Compound (MaxSeCom) sa pamamagitan ng Symbolic Pledge of Support kung saan boluntaryong magpapatatanggal ng mga gang mark sa mga gusali at kanilang balat.

Matapos ang panunumpa ng suporta, sinimulan na ang pagtatanggal ng mga tattoo sa iba’t ibang prison compound sa ilalim ng ahensya.

Sa araw ng Miyerkules, October 28, narito ang bilang ng mga preso na naalisan ng tattoo:
– NBP MaxSeCom (120)
– CIW (60)
– San Ramon Prison (37)

May nakatalagang BuCor Health Service staff habang isinasagawa ang pagtatanggal ng tattoo upang masigurong nasunod ang minimum health protocols ng IATF.

BuCor photo

Read more...