Bagyo sa labas ng bansa, posibleng maging Tropical Storm sa susunod na 12 – 24 oras
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan sa layong 1,910 kilometers Silangan ng Central Luzon dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit at gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Ani Rojas, nasa gitna pa ng karatagan ang bagyo kung kaya’t wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahang bago pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR), lalakas pa ang bagyo at magiging Tropical Storm.
Posibleng pumasok ng bansa ang bagyo sa Huwebes ng umaga o hapon, October 29.
Oras na makapasok ng teritoryo ng bansa, tatawagin na itong Rolly.
Sinabi pa nito na lalakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa Severe Tropical Storm at Typhoon category sa susunod na 48 hanggang 72 oras habang binabagtas sa Philippine Sea.
Base rin sa monitoring ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Bicol region sa araw ng Linggo, November 1.
Samantala, sa ngayon, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa Mindanao na nagdududlot ng pag-ulan sa Silangang bahagi nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.