LOOK: Manila North Cemetery, ikinandado na

Photo grab from Manila PIO Facebook video

Ikinandado na ang Manila North Cemetery, Miyerkules ng hapon (October 27).

Ibinahagi ng Manila Public Information Office ang video ng pagsasara sa naturang sementeryo bandang 5:00 ng hapon.

Alinsunod ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na isara ang lahat ng sementeryo sa buong bansa mula October 29 hanggang November 4.

Bahagi ito ng pag-iingat ng gobyerno upang maiwasang kumalat pa ang COVID-19.

Muli namang magbubukas ang sementeryo sa araw ng Huwebes, November 5.

Read more...