Ngunit, agad din nilinaw ni Locsin na kailangan muna ang ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte para hindi mapawalang-saysay ang gagawin nilang imbestigasyon.
Paliwanag nito, nakasaad sa Philippine Foreign Service Act of 1991, hindi maaaring imbestigahan o alisin sa puwesto ang mga itinalaga sa foreign posts nang walang direktiba mula sa Pangulo ng bansa.
Pagdidiin pa ni Locsin, hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng maling asal ng kanyang mga opisyal dahil aniya, kabilang sa misyon ng kagawaran ay protektahan at pangalagaan ang mga Filipino sa ibang bansa.