Paggamit ng videoke sa Muntinlupa, lilimitahan na
Lilimitahan na ang paggamit ng videoke sa Muntunlupa City.
Kasunod ito ng pagpasa ng Muntinlupa City Council sa City Ordinance 2020-142 para limitahan ang paggamit ng karaoke at iba pang kagamitang lumilikha ng ingay.
Layon din nitong matulungan ang mga mag-aaral at guro sa online classes, at maging ang mga empleyado na nasa work-from-home set-up.
Papayagan lamang ang paggamit nito tuwing araw ng Sabado, mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi, at Linggo, simula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Sinumang lumabag sa naturang ordinansa ay papatawan ng P2,000 hanggang P5,000 multa.
Maaari ring makulong nang hindi lalagpas sa 30 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.