Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspensyon ng mga klase sa lungsod sa araw ng Sabado, October 31.
Sakop nito ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Sa kaniyang Facebook live, sinabi ng alkalde na sa nasabing petsa, nais niyang magkasama-sama ang mga pamilya.
“Gusto ko po sa October 31, makasama ninyo ang inyong mga pamilya especially nowadays,” pahayag ni Moreno.
“Siguro hindi naman masyado kawalan ‘yung isang araw ng klase ng Sabado, lalo na sa mga kolehiyo, ay malaking sukli naman ‘yun when we spend time with our loved ones,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.