Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,331 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (October 28).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,116 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
20,578 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 637 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,445 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES