PCG, nailigtas ang isang green sea turtle na na-trap sa fish cage sa Bohol

PCG PHOTO

Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang green sea turtle na na-trap sa fish cage sa karagatang sakop ng Barangay Achila sa Ubay, Bohol.

Ito ay kasabay ng paghagupit ng Bagyong Quinta noong araw ng Lunes, October 26.

Nasa 3.5 talampakan ang haba ng green sea turtle at may bigat na 100 kilograms.

Ayon sa ahensya, nai-turnover na ang turtle sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 7 para sa medical check-up.

PCG PHOTO
Read more...