Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Quinta umakyat na sa 9

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2020 - 01:02 PM

Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi dahil sa panalalasa ng Typhon Quinta sa bansa.

Ayon sa update ng National DIsaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, maliban sa siyam na nasawi, nakapagtala din ng 6 na sugatan at 2 pa ang nawawala.

Ang mga biktima ay mula sa Regions 4-A, 4-B, VI, at VII.

Umabot sa 49,557 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo o 209,457 na katao mula sa 787 na mga barangay.

Sa nasabing bilang, 12,223 na pamilya pa ang nasa mga evacuation center.

 

 

 

TAGS: ndrrmc, Pagasa, Quinta aftermath, QuintaPH, weather, ndrrmc, Pagasa, Quinta aftermath, QuintaPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.