Bawasan ang kadaldalan, payo ni Sen. Ping Lacson kay Gen. Antonio Parlade Jr.

By Jan Escosio October 28, 2020 - 11:31 AM

Bilib si Senator Panfilo Lacson kay Army Lt. General Antonio Parlade Jr., sa dedikasyon nito sa kanyang misyon na tapusin na ang kalahating siglong problema sa CPP – NPA sa bansa.

Ngunit ayon kay Lacson ang nakikita niyang mali kay Parlade ay sobra itong mag-isip at madaldal.

Sinabi pa ni Lacson na sa sobrang kadaldalan ni Parlade ay siya na mismo ang nagsisilbing banta sa kanyang misyon bilang mataas na opisyal ng AFP.

Binanggit ng senador ang mga naging pahayag ng namumuno sa AFP Southern Luzon Command ukol sa mga ginagawang surveillance operations sa mga pinaghihinalaang subersibong personalidad.

Paalala din ni Lacson kay Parlade, base sa umiiral ng Anti-Terrorism Act of 2020, tanging ang korte lang ang makakapagsabi kung ang isang grupo ay maituturing na terrorist organisasyon tulad ng NPA.

Payo nito kay Parlade, magkaroon ng disiplina sa sarili at hinay-hinay lang sa pag-iisip at pagsasalita.

 

 

 

TAGS: AFP, Army Lt. General Antonio Parlade Jr., red-tagging, Senator Panfilo Lacson, AFP, Army Lt. General Antonio Parlade Jr., red-tagging, Senator Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.