Pilipinas may nakalaang pondo na para sa cold chain facility para sa COVID vaccine
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na may sapat na pondo ang pamahalaan sa pagtatayo ng cold chain facility.
Ito ay kung makabibili na ang Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maghahati naman ang gobyerno at ilang pribadong kompanya ng pagtatayo ng storage facility.
Una rito, sinabi ni Adeel Dhedi Bhytia ang kinatawan ng Sahar Pharma na nagkakahalaga ng sampu hanggang labinglimang libong dolyar ang isang freezer.
Aabot aniya sa halos limangdaang freezer ang kinakailangan para sa pagtatayo ng freezer farm o cold chain facility para sa bakuna.
Dapat na aniyang bumili bgayon ang Pilipinas ng mga freezer dahil kapag naging available na sa merkado ang bakuna tiyak na magmamahal na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.