Pag-imbestiga ng DOJ sa korapsyon sa pamahalaan hindi pang-aapak sa trabaho ng Ombudsman at PACC
Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi aapakan ng Department of Justice (DOJ) ang trabaho ng Office of the Ombudsman at Presidential Anti Corruption Commission (PACC) nang utusan nito ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang korapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip tutulungan ng DOJ ang Ombudsman at PACC.
Hindi rin maikakaila ayon kay Roque na ang DOJ ang may ponakamalaking bilang ng public prosecutor.
Katunayan, sinabi ni Roque na 20 times na mas malaki ang bilang bg mga abogado sa DOJ kaysa sa Ombudsman.
Makatutuwang din aniya ng DOJ ang National Bureau of Invedtigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP).
Binigyang-diin pa ni Roque na kuntento pa rin naman ang pangulo sa trabaho ng PACC at Ombudsman.
Kaya lang aniya binuo ang mega task force sa DOJ dahil nais ng pangulo na magkaroon ng legasiya na nalinis niya ang gobyerno sa ilalim ng kanyang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.