Suspek sa pagpatay sa isang babae sa Cagayan natukoy na

Umamin sa krimen na kanyang nagawa ang suspek kaugnay sa natagpuang babaeng natagpuang walang buhay sa attaui St., Ugac Norte, Tuguegarao City.

Noong Lunes, Oct. 26 ay nakita ang isang bangkay ng babae sa gilid ng kalsada sa naturang barangay.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng mga otoridad ng lungsod ng Tuguegarao, nakilala ang biktima na si Roselle Telan Raranan, 29 na taong gulang, at residente ng Brgy. Caggay, Tuguegarao City.

Ayon sa mga pulis, natunton nila ang mga kaibigan ng biktima sa Brickstone Mall.

Naging susi sa imbestigasyon ng kaso ang pakikipagtulungan ng isang kaibigan ng biktima na kinilalang si Adrian.

Batay sa salaysay ay natunton ang lugar na pinangyarihian ng krimen.

Inimbitahan din ang suspek na kinilalang si Reynaldo “Jun Jun” Layugan Dizon, 35 anyos.

Sa salaysay naman ng suspek, inamin nito na nagkaroon sila mainit na pagtatalo ng biktima at nagdilim ang kanyang pag-iisip at napatay niya ito gamit ang itak.

 

 

Read more...