Flood control project ng DPWH sa Claveria, Cagayan natapos na
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng flood control project sa Claveria, Cagayan.
Ayon sa DPWH, protektado na sa pagbaha ang mga residente ng Barangay Nagsabaran sa Claveria.
Nakumpleto na kasi ang P10 million na halaga ng flood control structure sa Cabicungan River.
Kinapapalooban ito ng 114 linear meters para maharang ang tubig baha kapag biglaang tumataas ang tubig sa ilog.
Ang pagtatayo ng naturang flood control structure ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.