15 lansangan nananatiling sarado sa mga motorista dahil sa pinsala ng Typhoon Quinta

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2020 - 10:15 AM

Photo credit: Sec. Mark Villar/Facebook

Sarado pa rin sa mga motorista ang aabot sa 15 mga lansangan sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Quinta.

Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, nagpapatuloy pa ang clearing operations sa 15 national road sections.

Nagtalaga na ng DPWH quick response teams sa apat (4) na road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat (4) sa Region 2, dalawa (2) sa Region 3, apat (4) sa Region 4-A, at isa (1) sa Region 10.

Ang lahat naman ng mga kalsadang naapektuhan ng bagyo sa Bicol Region ay nabuksan na at nadaraanan na ng mga motorista.

Umabot na sa P58 million ang halaga ng mga napinsalang kalsada at tulay sa bansa.

Sa nasabing halaga, P30 Million ay sa Region 2, P20 Million sa Region 4-A at P8 Million sa Region 5. /

 

 

 

TAGS: DPWH, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Road Sections, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta, DPWH, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Road Sections, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.