Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit 446,000 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 44.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Oct. 28) ay 44,221,939 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 446,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 71,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 42,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 29,000 na mga kaso.

Ang UK ay nakapagtala ng mahigit 22,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,034,208
India – 7,988,853
Brazil – 5,440,903
Russia – 1,547,774
France – 1,198,695
Spain – 1,174,916
Argentina – 1,116,609
Colombia –1,033,218
UK – 917,575
Mexico – 895,326

 

Read more...