Biyahe ng mga sasakyang padagat balik-normal na ngayong araw
Balik na sa normal ang biyahe ng mga sasakyang pandagat matapos makaalis na sa bansa ang Typhoon Quinta.
Ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), lahat ng maritime operations ay balik na sa normal alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, October 28, 2020.
Batay sa ulat ng PCG Command Center, wala na ring stranded na mga pasahero, drivers, cargo helpers, barko, motorbancas, o rolling cargoes sa mga pantalan sa buong bansa.
Magugunitang dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta ay maraming pasahero at mga sasakyang pandagat ang na-stranded ng ilang araw sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.