Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-7:57 umaga ng Miyerkules (October 28).
May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa lugar noong August 18.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna ng naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa lugar kaninang alas-2:21 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.