Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 199.65 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (October 28) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 198.80 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.91 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.85 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan naman na nasa 79.09 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.21 meters.
Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Magat dam.
Samantala,patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga at Magat dams.
Bukas pa rin ang isang gate ng Binga dam kung saan nagpapakawala ito ng 0.3 meters habang bukas din ang isang gate ng Magat na nagpapakawala naman ng 2 meters na tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.