Mula Nobyembre 3 hanggang 15, susunod namang ipapamahagi sa pamamagitan ng STARPAY ang ikalawang buwang ayuda para sa 134,406 na benepisyaryo mula sa first tranche.
Sunod na ipamamahagi naman ang SAP para sa 114,048 na benepisyaryong waitlisted.
Ayon sa Quezon City LGU, mayroon ding waitlisted na tatanggap ng kabuuang P16,000 dahil hindi nila nakuha ang kanilang unang buwang ayuda.
Ang payout ng STARPAY ay maaring makuha sa M. Lhuiller, Cebuana Lhuiller at Western Union.
Target ng mga ito na maserbisyuhan ang 3,000 benepisyaryo kada araw.
Kasabay nito, gagawin din ang manual payout (offsite pay-out) base sa clustering ng mga barangay.