168,172 SAP waitlisted sa QC nakatanggap na ng ayuda

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2020 - 06:39 AM

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second month payment ng Social Amelioration Program (SAP) para sa 168,172 waitlisted na kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng GCash sa Quezon City.

Mula Nobyembre 3 hanggang 15, susunod namang ipapamahagi sa pamamagitan ng STARPAY ang ikalawang buwang ayuda para sa 134,406 na benepisyaryo mula sa first tranche.

Sunod na ipamamahagi naman ang SAP para sa 114,048 na benepisyaryong waitlisted.

Ayon sa Quezon City LGU, mayroon ding waitlisted na tatanggap ng kabuuang P16,000 dahil hindi nila nakuha ang kanilang unang buwang ayuda.

Ang payout ng STARPAY ay maaring makuha sa M. Lhuiller, Cebuana Lhuiller at Western Union.

Target ng mga ito na maserbisyuhan ang 3,000 benepisyaryo kada araw.

Kasabay nito, gagawin din ang manual payout (offsite pay-out) base sa clustering ng mga barangay.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.